| Storya Ng Puta | |
|
+8reg d'Messenjah Ako Si ArNoLd John™ trebacire Leng conjin deoscience 12 posters |
Author | Message |
---|
deoscience
Posts : 462 Join date : 2009-04-03 Age : 38 Location : Dantes II malapit sa Rancho P
| Subject: Storya Ng Puta Thu 18 Jun 2009, 1:56 am | |
| Istorya ng Puta
Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.
Tara makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.
Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong malilibog na foreigners ang namyesta sa katawan ko, na-rape daw ako. Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Hapon. Kase, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko. Parating ang dami naming regalo - may chocolates, yosi, ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. 'Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami. Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay. P*** ng I**! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula. Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin. Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin. Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe. 'Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako.
Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap. Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko. Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa. Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko. Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kase ang isang magandang tulad ko.
Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang mga anak ko naiwan sa aking punyetang puder? Baka di na ako
balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila. Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin. Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa't isa. Walang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.
Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Isang buwan pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw:
"INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!"
Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako.
Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.
Pilipinas nga pala. | |
|
| |
conjin Moderator
Posts : 937 Join date : 2009-04-01 Age : 36
| Subject: Re: Storya Ng Puta Thu 18 Jun 2009, 2:25 pm | |
| dei haba ng kwento wala bang maikli dyan?
paki summarize nalang prof hehehe | |
|
| |
Leng
Posts : 286 Join date : 2009-05-26 Age : 38 Location : san jose del monte bulacan
| Subject: Re: Storya Ng Puta Thu 18 Jun 2009, 4:11 pm | |
| | |
|
| |
conjin Moderator
Posts : 937 Join date : 2009-04-01 Age : 36
| |
| |
trebacire Moderator
Posts : 607 Join date : 2009-03-30 Age : 43 Location : De Jesus Compound
| Subject: Re: Storya Ng Puta Thu 18 Jun 2009, 7:01 pm | |
| ok nmn worth the time... meron din ako nito sa email, nice going prof, haha nakikiprof na rin, hehe... | |
|
| |
deoscience
Posts : 462 Join date : 2009-04-03 Age : 38 Location : Dantes II malapit sa Rancho P
| Subject: Re: Storya Ng Puta Thu 18 Jun 2009, 7:08 pm | |
| Once na nasimulan mo nmn ung storya eh mahirap ng iwan...
Saka balbal nmn ang pagkakasulat ng may akda eh.. kaya madaling makakarelate cla turak jan at cla mumoy
Thanks pafi Treb.. hehe | |
|
| |
John™
Posts : 443 Join date : 2009-05-22 Age : 30 Location : #19 Juan Street Dantes II Damong Maliit Novaliches Quezon City
| Subject: Re: Storya Ng Puta Fri 19 Jun 2009, 6:47 pm | |
| Ang haba ang tagal basahin ahahaha pero maganda
| |
|
| |
Ako Si ArNoLd
Posts : 402 Join date : 2009-03-30 Location : qc
| Subject: Re: Storya Ng Puta Fri 19 Jun 2009, 7:34 pm | |
| Lufet ng Kwento nakakaawa lng maxado na pala naAbuso ^^ | |
|
| |
deoscience
Posts : 462 Join date : 2009-04-03 Age : 38 Location : Dantes II malapit sa Rancho P
| Subject: Re: Storya Ng Puta Sun 21 Jun 2009, 5:35 pm | |
| Salamat naman at pinagtuunan mo ng pansin ang isang malahagang paksa na kapupulutan ng aral....
Keep it going ARN-ARN | |
|
| |
d'Messenjah Chief Moderator
Posts : 655 Join date : 2009-03-30 Location : Barrio Novaliches, Ciudad Ng Quezon Baby!
| Subject: Re: Storya Ng Puta Mon 22 Jun 2009, 7:00 pm | |
| nice nice! si mommy philippines pla un. hehe | |
|
| |
deoscience
Posts : 462 Join date : 2009-04-03 Age : 38 Location : Dantes II malapit sa Rancho P
| Subject: Re: Storya Ng Puta Tue 23 Jun 2009, 1:35 am | |
| Oo nga eh...
Pok Pok ang Pilipinas.
mahilig pa sa mga kano, mistiso at hapon. | |
|
| |
reg
Posts : 29 Join date : 2009-05-13 Age : 39 Location : Novaliches
| |
| |
weshiel
Posts : 209 Join date : 2009-06-11 Age : 32 Location : metrO manila
| Subject: ^^ Tue 23 Jun 2009, 11:10 am | |
| ..astig!. but i still hate u prop.. | |
|
| |
deoscience
Posts : 462 Join date : 2009-04-03 Age : 38 Location : Dantes II malapit sa Rancho P
| Subject: Re: Storya Ng Puta Tue 23 Jun 2009, 2:29 pm | |
| Salamat sa mga comment.
Ganun tlg. iba iba ang magiging replexyon satin ng isang storya.
So... Alagaan nyo nlng ung nany nyo at ang mga kapatid nyong Abusero.. | |
|
| |
clariza
Posts : 158 Join date : 2009-05-27 Age : 31 Location : bulacan
| Subject: Re: Storya Ng Puta Wed 08 Jul 2009, 4:07 pm | |
| | |
|
| |
mikeportes
Posts : 1 Join date : 2010-03-07
| Subject: upcoming "Minsan may Isang Puta" short film entry Sun 07 Mar 2010, 2:28 am | |
| Still pandering on your hunger for a true sense of NATIONALISM. If you wish to get updates on the upcoming "Minsan may Isang Puta" short film entry by Urban Tribe's Sarah Roxas @ the "Ganap na Babae"-search for the NEW WOMAN Director, you are most welcome to join us - HERE's TO A BETTER PHILIPPINES! "Minsan may Isang Puta" was originally published in April 30, 2004 @ Peyups.com and at 2010, it is still finding it's way to blog sites, fora, search engines and now on the film. JOIN US > https://www.facebook.com/pages/Minsan-may-Isang-Puta/359475606984?v=wall | |
|
| |
dave
Posts : 273 Join date : 2009-05-26 Age : 31 Location : Kassel Villas Subd.
| Subject: Re: Storya Ng Puta Wed 05 May 2010, 2:50 am | |
| after 15 minutes. i finish to read it. and i realized na,ndi pala dapat gawan ng masamang bagay ang mother earth., lalo na ang paguusok hehehe....... peace^^, ang ganda ng storya.!!! tibay mo DEO ^^
| |
|
| |
Sponsored content
| Subject: Re: Storya Ng Puta | |
| |
|
| |
| Storya Ng Puta | |
|